HINDI pa man malinaw ang kanyang pagbabalik aksiyon, humakbang na ang pagkakataon sa pagbabalik PBA ni Calvin Abueva.

Pinahintulutan ng PBA ang kahilingan ng Phoenix management na makalahok ang kontrobersyal na player sa isasagawang scrimmages ng kanilang koponan sa ‘bubble’.

Nauna rito, maraming nadismaya sa naunang pagbabawal sa Fuel Masters star forward na makasama sa 25-man delegation ng kanilang koponan sa bubble sa Clark, Pampanga.

Gayunman, hindi pa rin umano nila batid ani Phoenix team manager Paolo Bugia kung palalaruin na rin si Abueva sa pagpapatuloy ng Philippine Cup na magsisimula sa Oktubre 11.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"No official decision yet on actual games," ani Bugia.

Gayunpaman, magandang development ito para kay Abueva na buhat sa suspension sa nakalipas na 16 na buwan.

Mula ng masuspinde si Abueva ,hindi na umabot ang Fuel Masters sa playoffs. Katunayan ay nagtapos lamang sila sa ika-10 at ika-11 sa nakalipas na huling dalawang conferences.  Marivic Awitan