NASA 120 milyon rapid tests para sa COVID-19 ang nais ipamahagi World Health Organization sa pinakamahihirap na bansa, na $5 bawat isa—kung makalilikom sila ng pondo.

Ayon sa WHO, makatutulong ang $600 milyong pondo para sa mga low at middle-income na bansa upang maisara ang malaking puwang sa pagte-test para sa new coronavirus, na kumitil na sa buhay ng higit isang milyong tao mula nang una itong maitala sa China noong Disyembre.

Ang rapid test, na ipamamahagi sa 133 bansa sa susunod na anim na buwan, ay hindi kasing reliable ng regular na PCR nasal swab tests ngunit ito ay mas mabilis, mas mura at mas madaling gamitin.

“A substantial proportion of these rapid tests — 120 million — will be made available to low- and middle-income countries,” pahayag ni Tedros.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“These tests provide reliable results in approximately 15 to 30 minutes, rather than hours or days, at a lower price, with less sophisticated equipment.

“This will enable the expansion of testing, particularly in hard-to-reach areas that do not have lab facilities or enough trained health workers to carry out PCR tests.”

NO LAB REQUIRED

Maglalaan naman ang Global Fund to Fight AIDS, Tuberculosis and Malaria, na co-convening ng WHO-led pooled global search para sa Covid-19 diagnostics, ng $50 million mula sa pondo nito para COVID-19 response.

Sinabi ni Global Fund executive director Peter Sands na walang katiyakan ang RDT ngunit mahalaga itong katuwang ng PCR tests.

“Although they are a bit less accurate, they’re much faster, cheaper and don’t require a lab,” ani Sands.

“This will enable low- and middle-income countries to begin to close the dramatic gap in testing.”

Sa kasalukuya, aniya, nagkapagsasagawa ang mga high-income na bansa ng 292 tests per day sa kada 100,000 people; 77 para sa mga upper-middle-incomena bansa ; 61 para sa lower-middle-income na bansa; at 14 sa low-income na bansa.

Dagdag pa ni Sands, kung nakapagsasagawa ang mga pinakamahihirap na bansa ng testing na katumbas ng sa pinakamayayaman, ang 120 milyong test ay hindi tatagal ng dalawang linggo.

Maaaring magamit ang test kung saan hindi available ang PCR tests; mabilis na testing contacts kung saan nakmapagkupirma ng kaso ang PCR test; at sa mga lugar kung saan may malawak na pagkalat ng virus sa komunidad.

Inaasahang ngayong linggo na darating ang unang order, ayon kay Sands.

Isinasagawa ang test ng dalawang kumpanya: ang US multinational Abbott Laboratories at South Korea-based SD BioSensor.

Tumutumbas ang 120 milyong test sa 20 porsiyento ng manufacturing capacity ng kumpanya. Habang ang natitirang 80 porsiyento ay mananatiling available para sa procurement.

Hanggang nitong Lunes, umabot na sa 1,002,432 ang namatay na biktima mula sa 33,178,275 na kumpirmadong kaso, ayon sa AFP tally na nilikom mula sa mga official sources.

“The current numbers are likely an under-estimate of the true toll,” pahayag ni WHO emergencies director Michael Ryan.

Aniya, panibagong isang milyong pagkamatay “[were] highly likely” bago dumating ang bakuna, maliban na lamang kung bubuo ang mga bansa at bawat isa ng kolektibong aksiyon upang malabanan ang pagkalat ng virus.

Agence France-Presse