CALIFORNIA (AFP) — Libu-libong mga taga-California ang napilitang umalis sa kanilang mga tahanan sa bantog sa daigdig na mga rehiyon ng Napa at Sonoma nitong Lunes habang ang isa pang bagong sunog na pinalaki ng malakas na hangin ay pumatay sa tatlong katao.

SINAGIP ng Animal Control staff at volunteers ang mga hayop na nakaligtas sa Glass Fire matapos itong dumaan sa  Napa Valley, California. AFP

SINAGIP ng Animal Control staff at volunteers ang mga hayop na nakaligtas sa Glass Fire matapos itong dumaan sa Napa Valley, California. AFP

Natupok ang mga ubasan ng Napa at nasira ang mga gusaling sinalanta ng sunog na kumalat sa isang mapanganib na antas sa 4,500 ektarya at hindi naapula, sinabi ng state fire agency na Cal Fire. Nasunog ang mga bantog na winery tulad ng Chateau Boswell at bahagi ng Castello di Amorosa, habang malaki ang nasira sa mga gusali sa mga gilid ng Santa Rosa - ang karatig-bayan ng Sonoma County - sinabi ni fire chief Tony Gossner.

Halos 320 kilometro sa hilaga, tatlong tao ang namatay sa isang “very fast moving, very fluid, very hot” na apoy sa Shasta county, sinabi ni Sheriff Eric Magrini.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa pagitan ng dalawang sunog higit sa 35,000 mga residente ang inatasan na lumikas, na may libu-libo pang nakahandang tumakas, habang ang “explosive fire growth” ay nilalamon ang tuyong halamanan at matarik na mabundok na lupain, sinabi ng mga opisyal. Inaalam pa ang mga sanhi ng sunog.