NAKATAKDANG ipagdiwang ang National Science and Technology Week (NSTW) sa Nobyembre “virtually”, at umaasa si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato de la Peña na makikita pa rin ng publiko ang praktikal na gamit ng agham at teknolohiya sa pamamagitan ng mga online na aktibidad na ihahanda ng ahensiya.
“It is a big challenge for us in DOST to continue the annual NSTW celebration because of the Covid-19 pandemic. Despite not having the traditional in person celebration for this year, we are very optimistic that by conducting it in a virtual mode, still, many Filipinos across the country would learn and understand the crucial roles of science, technology, and innovation in improving our lives, especially during this time of pandemic,” pagbabahagi ni de la Peña sa Philippine News Agency kamakailan.
Sa pamamagitan ng mga webinars at virtual exhibits, aniya, makikita ng maraming tao ang praktikal na gamit o benepisyo ng iba’t ibang produkto at serbisyo na binuo ng mga Pilipinong siyentista at mga mananaliksik, partikular sa pagbibigay ng napapanahon at tamang solusyon sa mga hinaharap na pagsubok.
“We have designed the virtual exhibit similar to what we have done before. We will have a convention-type lobby where an information guide is provided so that visitors will be able to navigate around the virtual exhibits,” ani de la Peña.
Magkakaroon ang exhibit area ng apat na clusters, tampok ang mga teknolohiya na nakaangkla sa apat na K: ang Kalusugan (health), Kaayusan (order), Kabuhayan (livelihood), at Kinabukasan (future). Habang limang teknolohiya ang itatampok sa bawat tema, ayon sa kalihim.
Para sa bawat teknolohiya , itatampok ang mga larawan ng produkto na digitally presented gamit ang mga videos at 360-degree presentations. Habang makikiisa rin dito ang mga developer ng teknolohiya upang sumagot ng mga katanungan, aniya.
Bukod sa exhibit, magkakaroon din ng mga interactive games at photo booths upang maging mas kahika-hikayat ito sa mga manonood.
Itatampok rin sa mga webinars ang apat na K bilang bahagi ng talakayan. Iba’t ibang paksa ang tatalakayin sa webinars na pamamahalaan ng iba’t ibang sangay ng DOST at mga regional offices nito.
Kabilang sa mga paksang inaasahang tatalakayin ang remote learning experiences, Covid-19 mitigation, at iba pang programa at serbisyo ng DOST, kabilang ang may kinalaman sa kabuhayan at negosyo, kaligtasan, kalusugan, edukasyon, at community development.
Mapapanood ang webinars sa website ng DOST, gayundin sa Facebook page mula Nobyembre 23-29. “I am inviting the public, especially the students, to participate in the NSTW celebration. We have prepared many things to help them understand and feel the role of S&T in everyday life, especially during this pandemic,” aniya.
PNA