KINILIG ang KathNiel fans sa pinost ng mom ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo ng photo ng part ng wedding dress at ang caption ay start “K&N” na may wedding ring sa gitna. Sinundan ‘yun ng post ni Karla Estrada ng parang wedding invitation. Akala ng fans nina Kathryn at Daniel Padilla, may kasalan nang magaganap sa favorite love team nila, pero parang hindi pa mangyayari ‘yun.
Ang litrato pala ni Kathryn na nakasuot ng wedding ring ay para sa sitcom na pagtatambalan nila ni Daniel na malapit nang mapanood sa Kapamilya Channel. Na-hopia man ang fans sa pag-aakalang ikakasal na ang KathNiel, susuportahan pa rin nila ang sitcom ng dalawa at ang October 11, 2020 digital concert ni Daniel.
Billed Apollo ang digital concert ni Daniel na ang first release ng tickets ay sold out agad, pero may mabibili pa ring tiket. Matagal itong hinintay ng fans, kaya asahang bago pa ang date ng concert, masu-sold out ang tiket.
-NITZ MIRALLES