NAKA-LOCK in taping sina Rhian Ramos, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo para sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly episode ng mini-series ng GMA-7. Sa October 19, ang airing nito sa GMA Telebabad ng network.
Nag-post ng latest photo niya si Rhian habang nasa taping at ang kapayatan nito na naman ang pinansin ng netizens. Pati ang collarbone at mga ugat sa braso ng aktres ay kanilang pinansin na dala raw ng kapayatan nito.
Pinayuhan si Rhian na dagdagan pa ang kinakain na sabi nito sa kanyang vlog, ginagawa naman niya. Nabanggit nga nito na kailangan talaga niyang magdagdag ng calories, kaya hintayin na lang ng mga body shamers ang muling pagbabalik ng timbang ng Kapuso actress.
Nabanggit din ni Rhian sa kanyang vlog na ang rason ng kanyang pagpayat ay ang
bad break up nila ng kanyang Israeli boyfriend na nagbigay sa kanya ng stress. “It was hard” ang sabi nito sa break-up nila ni Amit Borsok na nasa bansa na yata nila. Kaya naging Long Distance Relationship ang nangyari sa kanila na nakadagdag siguro sa kanilang paghihiwalay.
Kapag natapos ang taping ng “I Can See You,” ang sunod na taping na gagawin ni Rhian ay para sa primetime series na Love of My Life. One month daw tatagal ang lock-in taping ng buong cast na pinaghahandaan ni Rhian at ng ibang cast.
-Nitz Miralles