NAKA-SET sa “Comments on this post have been limited” ang comment box ng Instagram ni Janella Salvador, kaya limitado ang nakakapag-comment. Pero, kahit limitado ang comments, may nakapasok pa rin sa comment box na nagtanong kung totoong buntis si Janella?
Nasa UK pa sina Janella, ang inang si Jenine Desiderio at ang brother nitong si Russel at ang boyfriend niyang si Markus Paterson. In fact, sa bahay nina Markus nakatira sina Janella with her mom and sibling.
Nag-post ang Kapamilya actress ng picture habang nasa garden siya at kumakain ng strawberries at umiinom ng tea. Ang caption sa picture niya na half body lang ang kita ay “Peaceful mornings with fresh strawberries and english tea.”
Sa mga nag-comment, isa lang ang sinagot ni Janella at deadma siya sa mga nagtanong kung buntis nga siya, kaya nganga na naman ang mahihilig sa tsismis. Wala silang napalang sagot sa kanilang tanong, pero tiyak na susubukan pa rin nilang magtanong sa mga susunod na araw.
Abangan na rin lang natin kung mga susunod na mangyayari, kung lalaki ang tiyan ni Janella, buntis nga siya, pero kung hindi lalaki ang tiyan, ibig sabihin, fake news ang balitang preggy siya.
-Nitz Miralles