DATI pala, naging insecure si Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia dahil sa kanyang skin color, ang pagiging morena. Inamin ito ni Gabbi sa kanyang YouTube vlog.
“Kasi noong high school ako, parang... I didn’t care that much about skin color. Parang, wala lang siya sa akin. Tapos nung pumasok na ako sa showbiz, doon ko talaga na-figure out na in the industry, maraming mga sinasabi, or people who are gonna say na ‘alam mo, kailangan mo magpaputi, para makakuha ka ng ganito’ or ‘kailangan mas okey kapag maputi ka.”
Pero mas natutunan daw ni Gabbi na mahalin ang sarili niya. “Doon ko na-realize the importance of loving yourself and your skin color, na hindi ka magpapa-sway sa ibang tao.”
And it seems, ang kanyang skin color ang nagustuhan kay Gabbi sa abroad as endorser ng iba’t ibang products kaya nga tinawag siyang ‘Global Endorser’ at ito ang nagdala sa kanya sa iba’t ibang lugar abroad bilang brand ambassador.
Sa ngayon, patuloy na napapanood si Gabbi sa rerun ng Encantadia, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7, at every Sunday, as one of the hosts and performer sa nagbalik-TV nang All-Out Sundays.
-Nora V. Calderon