PARIS (AFP) — Isang dating top boss ng isa sa pinakamalaking modelo agency sa mundo ang iniimbestigahan dahil sa panggagahasa at pang-aabuso sa isang batang wala pa sa hustong gulang gayundin ang iba pang mga kababaihan, inihayag ng French prosecutors nitong Lunes.

Gerald Marie (AFP)

Si Gerald Marie, dating European head ng Elite Models, ang target ng reklamo ng isang dating BBC journalist at mga akusasyon ng panggagahasa ng tatlong dating modelo, sinabi ng Paris prosecutor’s office.

Isang specialist child protection unit ang mamumuno sa pagsisiyasat sa mga paratang ng “rape and sexual assault, as well as rape and sexual assault of a minor,” dagdag nito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang imbestigasyon ay batay sa mga reklamo na inihain ng mga kababaihan para sa mga diumano’y assaults mula 1980 hanggang 1998.

Sa panahon ng mga diumano’y pagkakasala, inilunsad ng Elite Models ang mga karera ng household names gaya nina Naomi Campbell, Claudia Schiffer, Cindy Crawford at dating misin ni Marie, ang supermodel na si Linda Evangelista.

Sinabi ni dating BBC journalist Lisa Brinkworth na noong Oktubre 1998, noong siya ay nag-pose bilang isang modelo habang nagsasagawa ng isang pagsisiyasat, siya ay minolestiya ni Marie sa isang nightclub.

Nagtatrabaho siya bilang undercover sa isang dokumentaryo tungkol sa mga paratang ng inappropriate sexual behaviour sa mga modelo - marami sa kanila ay underage - sa ilang mga ahensya. Ang reklamo ni Brinkworth ay sinamahan ng mga paghahabol mula sa tatlong dating modelo ng diumano’y panggagahasa ni Marie sa Paris noong sila ay tinedyer o dalaga.

Inakusahan ng US model na si Carre Sutton si Marie ng “hindi mabilang” na mga panggahasa noong 1986, noong siya ay 17, ng kapwa American na si Jill Dodd ng isang rape noong 1980, noong siya ay 19, habang sinabi ni Swede Ebba Karlsson na siya ay ginahasa noong 1990, noong siya ay 20 o 21.

Sinabi ni Pascal Narboni, ang abugado ni Marie, sa AFP na ang kanyang kliyente ay “absolutely formally contests these facts” at sinabi na balak niyang maghain ng kontra demanda kaugnay sa sa “slanderous allegations”.