INANUNSIYO kamakailan ng YouTube ang pagdaraos ng unang virtual YouTube FanFest kung saan itatampok ang mahigit 150 creators at artist across the region kasama ng special appearances mula sa global YouTube stars.

Ipagdiriwang sa virtual FanFest ang creative ingenuity ng mga creator at artist community sa Asia-Pacfic, na nagbibigay ng inspirasyon, entertainment, at kaligayahan sa panahong ito ng krisis.

Ipalalabas ang show through live streamed sa YouTube FanFest’s official YouTube channel sa October 11.

Simula 4 pm, mapapanood sa Fanfest ang higit 150 talented creators at artists mula sa Asia-Pacific, kasama ng ilang top global YouTube stars such as Alex Wassabi, Matt Steffanina, Merrell Twins, at Mike Chen.

Tsika at Intriga

Nawawalang VMX star na si Karen Lopez, 'nagpahinga' lang

Habang bahagi naman ng lineup para sa local YouTube sensations sa Pilipinas sina Ranz Kyle, Niana Guerrero, Natalia Guerrero, mimiyuuuh, Ben&Ben, FumiShun Base, AC Bonifacio, at marami pang iba para sa isang live stream napuno ng special performances, creator collaborations, at saya. Ilang creators naman mula sa bansa ang magkakaroon ng virtual meet and greet moments bago ang Fan Fest event.

Upang ipakita at ipagdiwang ang diversity sa Asia-Pacific, magkakaroon ng dedicated country spotlight segments tampok ang mga homegrown creators na hosted sa lokal na wika. Habang mas maraming creators ang iaanunsiyo sa mga susunod na araw sa

YouTube FanFest’s Twitter, Facebook, at Instagram accounts.

Ayon kay Gautam Anand, Managing Director of YouTube APAC, “YouTube FanFest has become an annual celebration of our YouTube communities across APAC. While we couldn’t host physical shows this year, we hope this special edition YouTube FanFest will create moments of joy, spread positivity and bring about a sense of unity that we all need during this time. We’re excited to see international creators and homegrown talent from across APAC shine on this virtual stage.”

-Robert Requintina