ISANG solid at nagkakaisang Executive Board ang nais ni Philippine Olympic Committee (POC) na mabuo sa gaganaping election ng Olympic body sa Nobyembre 27.

Kung kaya’t hiningi ni Tolentino ang suporta ng mga national sports association na iluklok ang mga lider na kabilang sa kanyang tiket.

“Hindi nagkakaisa ang executive board, kaya nahihirapan kaming mapagtibay ang aming mga plano,” pahayag ni Tolentino, patungkol sa kasalukuyang komposisyon ng POC Board na binubuo ng majority na mula sa grupo ng dating POC chief Peping Cojuangco. Tinalo ni Tolentino si Cojuangco sa snap election noong 2018 matapos magbitiw bilang POC chief si Ricky Vargas.

Ayon kay Tolentino may magaganda siyang mga plano para sa POC, laluna sa mga atleta, at matutupad lang umano ito kung ang kanyang team ang mananalo sa Nov. 27 elections. Nakatulong siya sa pagbabalik ng mga full allowances ng national athletes at coaches sa pamamagitan ng Bayanihan To Recover as One Act.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Kabilang sa mga kandidato ng kanyang grupo ay sina triathlon’s Tom Carrasco bilang chairman, Cynthia Carrion ng gymnastics bilang treasurer, at baseball’s Chito Loyzaga sa pagka-auditor. Kasama rin sa ticket sina Pearl Managuelod ng Muay, judo’s Dave Carter, Dr. Raul Canlas ng surfing at Prospero Pichay ng chess.

Nasa listahan naman niya bilang first at second vice president sina Al Panlilio ng basketball at Ormoc City Mayor Richard Gomez ng fencing.

May kabuuang 51 national sports associations (NSAs) ang inaasahang lalahok sa botohan.

-Bert de Guzman