Pinoprotektahan lamang ng Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng pamahalaan kaugnay ng paglimita sa access ng publiko sa kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Ito ang paglilinaw ni Chief Presidential legal counsel Salvador Panelo. Katwiran ni Panelo, maaaring gamitin ng kalaban ng mga government official ang nasabing dokumento laban sa kanila. “May rason, may katuwiran sapagkat ginagamit nga ng mga kalaban itong SALN. Kaya hindi naman ipinagbawal, hinigpitan po lamang.

Maaari rin aniyang malagay sa balag ng alanganin ang sinumang opisyal ng gobyerno at ang pamilya nito kapag nakuha ng kanilang kalaban ang personal na impormasyon ng mga ito.

“Binibigyan lang ng requirements para hindi every Tom, Dick and Harry can get it all will kasi nga, tandaan ninyo. yung SALN nandoon ang pangalan ng nag-file at ng kanyang kabiyak at kanyang mga anak, Nandoon ang address. Eh papaano kung ‘yun makuha ng mga kaaway nila, o di nanganib ang mga buhay nila,” lahad nito.

Tsika at Intriga

Nawawalang VMX star na si Karen Lopez, 'nagpahinga' lang

“Kaya ang sinasabi ni Ombudsman Sammy (Martires), kailangan ay opisyal at may dahilan kung bakit ibibigay sa ‘yo,” dagdag pa ng opisyal.

Genalyn Kabiling