Winasak ng mga awtoridad sa China ang libu-libong mosque sa Xinjiang, ayon sa isang Australian think tank, sa pinakabagong ulat hinggil sa malawak pang-aabuso sa karapatang pantao sa rehiyon. Ayon sa rights groups, higit isang milyong Uighurs at iba pang karamihan na Muslim Turkic-speaking ang ipinasok sa mga kampo sa bahagi ng northwestern territory, kung saan pinipilit ang mga residente na isuko ang kanilang tradisyon at panrelihiyong aktibidad.
Nasa 16,000 mosque ang winasak o sinira, ayon sa isang ulat ng Australian Strategic Policy Institute (ASPI) base sa satellite imagery na nagdokumento ng daan-daang sagradong lugar at statistical modelling.
Karamihan ng destruksiyon ay naganap sa nakalipas na tatlong taon at tinatayang nasa 8,500 mosque ang tuluyang nawasak, ayon sa ulat, habang marami pa ang nasira sa laban ng urban centres ng Urumqi at Kashgar. Habang ang mga mosque na nakaligtas sa demolisyon ay tinanggalan ng dome at minarets ayon sa pananaliksik, kung saan tinatayang nasa 15,500 intact at sirang mosque ang natirang nakatindig sa Xinjiang.
AFP