LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Walang comeback ang Denver Nuggets sa pagkakataong ito. At sa ika- 10 pagkakataon, lalaro si LeBron James sa NBA Finals at gayundin ang Lakers matapos ang isang dekada.

Tinuldukan ni James ang ika-27 postseason triple-double sa dominanteng opensa sa fourth quarter para sandigan ang Lakers sa 117-107 panalo laban sa Nuggets nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Game 5 ng Western Conference finals.

Tinapos ng Lakers ang Nuggets sa 4-1.

Nagsalansan si James ng 38 puntos, 16 rebounds at 10 assists para tanghaling ika-apat na player sa kasaysayan ng NBA na nakaabot sa NBA Finals. Kinailangan niya ang dalawang season para maisakatuparan ang kampanya ng Lakers matapos ang nagging karanasan sa Miami at Cleveland.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Makakaharap ng Lakers ang magwawagi sa Eastern Conference finals sa pagitan ng Miami at Boston. Tangan ng Heat ang 3-2 bentahe tungo sa Game 6 sa Linggo (Lunes sa Manila). Sa kabuuan, ito ang ika-32 NBA Finals ng Lakers at kauna-unahan mula nang magwagi sa Celtics noong 2010.

Nag-ambag si Anthony Davis ng 27 puntos para matikman ang unang biyahe sa NBA Finals.

Hataw sina Nikola Jokic at Jerami Grant sa Nuggets na may tig-20 puntos, habang kumana si Jamay Murray ng 19 puntos at walong assists. Anim nab eses na nakasalba ang Nuggets sa eliminations sa postseason bago tuluyang napasuko ng Lakers