CONNECTICUT – Pinahanga ni John Riel Casimero ang international boxing fans sa impressibong third-round stoppage kontra Duke Micah ng Ghana sa kanyang US television debut para mapanatili ang WBO bantamweight championship nitong Linggo.

Napabagsak ni Casimero, 31, ang dating walang talong si Micah sa second round mula sa biradang left hook bago tuluyang pinaluhod ang karibal sa third round sa tampok na laban ng boxing promotions sa Mohegan Sun Arena.

Ang impresibong TKO win ay malaking bonus s apitong buwang sakripisyo sa training at pamamalagi ni Casimero sa US. Pinaghahandaan ng kampo ni Casimero ang mega-fight laban kay Japan’s Naoya ‘Monster’ Inoue na naunsiyami ng dalawang ulit bago tuluyang kinansela.

“I’m the real monster. Naoya Inoue is scared of me. You’re next. I would have knocked out anyone today,” pahayag ni Casimero sa post-fight interview ng CBS Sports. “If Inoue doesn’t fight me, then I’ll fight Guillermo Rigondeaux, Luis Nery, or any of the top fighters.”

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest