NAGWAGI ng gold medal ang Filipino taekwondo jin Rodolfo Reyes Jr. sa 2020 Lents Taekwondo Worldwide Online Poomsae Tournament na idinaos noong Setyembre 20.

Nagtapos sa University of Santo Tomas, nakamit ni Reyes ang nag-iisang gold medal ng mga Pinoy sa kompetisyon makaraang magtala ng average score na 7.35 puntos sa under- 30 senior male category.

“I’m used to seeing judges in front of me to guide and rate my performance but in the ‘new normal’ … cameras serve as our judges,” ani Reyes sa panayam sa kanya ng The Varsitarian.

Gold medalist noong nakaraang 2019 Southeast Asian Games, nag perform ng dalawang forms si Reyes sa finals kung saan nakakuha sya ng 7.34 na iskor sa Pyongwon at 7.36 sa Koryo.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Pumangalawa sa kanya si Choo Rok Oh ng Korea para sa silver medal (7.235) habang pumangatlo naman sina Chiou Mu En ng Taiwan at isa pang Pinoy na si Patrick King Perez para sa bronze (7.185).

Nagwagi naman ng silver medal si Ernesto Guzman Jr. sa under-40 senior male division matapos makakuha ng 7.13 puntos.

-Marivic Awitan