DECEMBER of last year ay inayos na ni Kyline Alcantara kung paano ipagdiriwang ang 18th birthday na Maleficent-inspired ang tema. Then nangyari ang hindi inaasahan.

Excited si Kyline sa mga bagong hamon ngayong isa na siyang adult. Ano ang mga goals niya bilang isang artista?

Bukas ang kaisipan ni Kyline sa pagtanggap ng offbeat roles. Mapapayag kaya ang aktres na maging contrabida or papel ng isang unwed mother? Walang dudang sexy ang Kapuso Star at pantasya ng maraming kalalakihan. Ang hindi niya masagot sa ngayon ay kung kakayanin ang maging daring tulad ni Alma Moreno na natural at comfortable sa pagpapa-sexy matching that look of innocence noong kabataan niya.

As adult ay gusto niyang maging responsible lalo na sa pag-manage ng kanyang finances. Hinggil sa manliligaw ang payo niya ay “manligaw ka muna sa parents ko.’

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Big turn off kay Kyline ang virtual courtship via apps tulad ng ZOOM. Mas gusto niya ang face-to-face. Looking forward si Kyline sa pag-resume ng afternoon serye Bilanggin ang Bituin sa Langit.

-REMY UMEREZ