HAPPY moms-to-be ang mga Kapuso singers na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia. Very close ng dalawa na nagsimula pa noong magkasama silang nanalo sa Pinoy Pop Superstar sa GMA Network. Ngayon ay pareho silang preggy sa first baby nila. At nag-share sila sa 24 Oras ng karanasan nila sa pagbubuntis.
Naging maselan daw ang pagbubuntis ni Maricris at si Aicelle naman ay nakaranas ng pamamanas kaya iniwasan niyang kumain ng maaalat na pagkain. Bukod pala sa kanilang dalawa, may group chat sila kasama ang dalawa pang Kapuso expectant moms na sina Sheena Halili at Chariz Solomon.
“Actually, doon kami nagpapalitan ng experiences, ‘yung mga symptoms ng pregnancy, bilang si Chariz eh, experienced mother na, siya ang aming mentor,” sabi ni Aicelle.
Bilang parehong Kapuso Divas, hindi raw nawawala sa kanilang pregnancy journey ang music, kaya madalas na raw nilang kinakantahan ang kanilang mga babies.
“Ako, kapag naliligo, madalas dun ako kumakanta,” natatawang sabi ni Aicelle. “And for some reason, gustung-gusto ko iyong Spice Girls. Kaya iyon ang kinakanta ko.” “Ako naman, nahihilig sa mga lumang awitin,” say ni Maricris. “Ang tanda nu’ng songs ko, Natalie Cole, Patti Austin. At kapag nakikinig naman ako ng music, tahimik tahimik ang baby ko. Napapansin ko sa kanya na kapag may ginagawa akong gusto niya, tahimik siya. Nakakatuwa.”
Masaya naman si Aicelle na sa pagbabalik-TV na ng All-Out Sundays ngayong Sunday, September 27, kasama pa rin siya.
-Nora V. Calderon