PLANO ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 na mas paigtingin ang ‘safety protocol program’ at magsagawa ng full-blown bubble para sa paglulunsad ng liga ngayong taon.

Ang pagbabago ay isiniwalat ni league president Ronald Mascariñas matapos ‘i-reject ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang aplikasyon ng liga na maipagpatuloy ang kanilang torneo batay sa programa ng International Basketball Federation (FIBA) nitong Huwebes.

Iginiit ni Mascariñas na sinunod nila ang istriktong guidelines at safety protocol ng IATF batay sa isinasaad ng Joint Administrative Order (JAO), subalit malugod na tinanggap ng liga ang naging desisyon.

Nauna nang nagsumite ang professional 3x3 basketball league ng bansa ng isang semi-bubble set-up para sa President’s Cup na idaraos sana sa loob ng apat na araw sa Inspire Academy in Calamba, Laguna.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Kaugnay nito, agad ding nagpatawag si Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 president Ronald Mascariñas ng emergency meeting para sa planong pagsasaayos ng isang full bubble para sa FIBA 3x3-endorsed league.

“We are committing to doing a full bubble with each conference taking place inside Inspire Academy for 15 days,” ani Mascariñas.

Sisikapin umano nilang makakuha ng kaukulang clearance bago ang naunang target date ng kanilang muling paglalaro na Oktubre 2. Nangako naman si Games and Amusements Board (GAB) chairman Baham Mitra na tutulungan sa kanilang apela.

Nauna ng pinuri ng GAB at ng Commission on Higher Education ang ipinatupad na programa ng Chooks-to- Go Pilipinas 3x3.

“I’m impressed with the preparations being done by Chooks-to-Go,” ani Mitra. They did not just meet the requirements but also improved on their submitted safety protocols,” pahayag ni Mitra.

-Marivic Awitan