NAGBIGAY ng kahandaan si Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr. sa nalalapit na Grandmaster at Attorney Rosendo Carreon Balinas Jr. Death Anniversary Free Registration Online Chess Tournament sa Setyembre 27 sa lichess.org.

Nagtulong ang magkapatid na sina Bethesda, Maryland-based frontliner Dr. Joe Balinas at kapatid na si Engr.Antonio “Uncle Paps” Balinas sa paglatag ng total pot prize P50,000 plus P43,000 sa honorarium ng 132 master na masisilayan sa 21 rounds Swiss System, 2 minutes plus 2 seconds increment time control format, na inorganisa ng Bayanihan Chess Club sa gabay nina Arena Grandmaster Marlon Bernardino at Mr. Genghis Imperial.

“It’s a prestigious tournament kaya medyo excited ako. I’ll do my best to win,” sambit ni Barcenila.

Magugunita na nakamit ni Barcenilla ang first national title matapos ang 23 years n g magkampeon sa 2019 National Open na tinampukang Battle of the Grandmasters na ginanap sa Philippine Academy for Chess Excellence sa Quezon City.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Lahat ng laro ay masasaksihan ng live sa Youtube channel ni Arena Grandmaster Voltaire Marc Paraguya maging kay Atty. Cliburn Anthony Orbe’s Official National Chess Federation of the Philippines Facebook channel.