BAGUIO CITY – Iniulat kahapon ng City Health Service Office (CHSO) na nasa 52 sa 128 barangay sa lungsod ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ni Dr. Donnabel Tubera-Panes, hepe ng Infectious Disease cluster ng CHSO at sinabing nangyari ang pagkawa mula Setyembre 4-18, 2020.

Naitala rin ng lungsod ang 181 active case sa tinukoy na mga lugar.

Nangunguna sa listahan ang Bgy. Sto Nino- Slaughterhouse Area dahil mayroon itong 12 mild cases at 22 asymptomatic cases. Kaugnay nito, nanawagan din ang CHSO sa pubiko na sumunod sa ipinaiiral na health protocols upang hindi na lumaganap pa nang husto ang virus.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

-Zaldy Comanda