MAY “devastating impact” ang nagpapatuloy na coronavirus pandemic sa mga displaced at conflict-affected people, na nagsasadlak sa marami sa problema ng kagutuman at kawalan ng tirahan, ayon sa isang pag-aaral na inilabas ng Norwegian Refugee Council (NRC) nitong Lunes.
Ang ulat na may titulong “Downward Spiral,” ay base sa pagtataya at survey sa 14 na bansa, kabilang ang Afghanistan, Iraq, Libya, Mali, Somalia at Yemen.
Ayon sa NRC, halos “three quarters” ng 1,400 taong rumesponde sa survey ang nagsabing malinaw nilang nakikita ang paglala ng kanilang kondisyon mula nang sumiklab ang pandemya.
Halimbawa, 70 porsiyento “had to cut the number of meals for their household,” 77 porsiyento ang nawalan ng hanapbuhay o kita mula sa trabaho, at 73 porsiyento ang nagsabing posibleng hindi na nila mapapasok ang kanilang mga anak sa eskuwelahan dahil sa “economic hardship.”
“The world’s most vulnerable communities are in a dangerous downward spiral,” pahayag ni Jan Egeland, NRC secretary general.
“Already forced from their homes by violence, often with limited rights to work or access to government services, the economic impact of the pandemic is pushing them to catastrophe,” dagdag pa niya.
Bago pa ang pandemya, nangangamba na ang UN sa lumalalang problema ng kagutuman sa mundo.
Ayon sa annual report na inilimbag nitong Hulyo, halos isa sa bawat siyam na tao ang chronically undernourished noong 2019, at inaasahan pang lalala ang sitwasyon ngayong 2020 dahil sa COVID-19.
Isinagawa ang NRC survey sa 1,413 displaced at conflict-affected people sa 14 na bansa kabilang ang: Afghanistan, Colombia, Iraq, Kenya, Libya, Mali, Uganda at Venezuela at idinagdag ang nakalap na pag-aaral sa Somalia, DR Congo, Lebanon, Jordan, Burkina Faso at Yemen.
Agence France-Presse