HINDI iiwan ni coach Topex Robinson ang Lyceum of the Philippines University sa kabila ng pagkakatalaga nito bilang interim head coach ng Phoenix sa PBA.

Itinalaga ni LPU president Roberto P. Laurel ang dati nilang head coach bilang consultant ng Pirates nitong Biyernes.

Pinasalamatan naman ni Robinson ang pamunuan ng Lyceum sa suporta at pagtitiwala.

“I feel so blessed to have a boss like Sir RPL. I’m actually lost for words since when news broke out that I was named interim head coach of Phoenix, the Laurel family only had words of encouragement for me,” pahayag ni Robinson.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“Sir RPL even told me that the school will be there for me since coaching in the PBA is a once-in-a-lifetime opportunity. I just feel blessed and humbled.”

Nitong Setyembre 11, itinalagang interim coach ng Phoenix si Robinson pagkaraang tapusin ng management ang tatlong taong panunungkulan ng dati nilang head coach na si Louie Alas. “Sila Sir RPL did not have to do this, but they still did so. I’m honored to continue being part of Lyceum. They have been there for me through the highs and the lows of my career,” dagdag pa ni Robinson.

Taong 2015, nang magsimula ang unang kontrata ni Robinson sa Lyceum.

Muli siyang lumagda ng bagong kontrata noong Disyembre 2018 kung saan bukod sa pagiging head coach ng Pirates ay ginawa pa syang Director of Basketball Operations ng Lyceum system na binubuo ng kanilang mga campuses sa Manila, Batangas, Cavite, Davao at Laguna. Mula sa pagiging cellar dwellers, unti-unting umangat ang Pirates sa ilalim ni Robinson at umabot ng dalawang beses sa NCAA Seniors’ Basketball Finals noong Seasons 93 at 94. Nakatakdang mag takeover para sa Pirates bilang bagong head coach ang dating lead assistant coach na si Jeff Perlas.

-Marivic Awitan