HABANG hinihintay pa ang muling pagdaraos ng mga malalaking sports events, ilang mga manlalaro at coaches ng professional basketball, higit yaong mga tubong Bulacan at Pampanga na malaki ang maitutulong ng P734-bilyong bagong International Airport project sa bayan ng Bulakan, Bulacan sa pagsulong at pag-angat ng Philippine sports at sa pagbangon ng bansa sa dinaranas ngayong krisis dahil sa Covid-19 pandemic.
“It will definitely be a big help for sports. We already have the biggest sports venue in Philippine Sports Arena. With the new airport, we can now host any major local and even international sporting event,” pahayag ng tubong Bocaue, Bulacan na si Jonas Villanueva na kasalukuyang coach ng Bataan Risers sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at dati ring naglaro sa San Miguel Beer at Purefoods sa PBA. Naniniwala naman ang kanyang kababayang si Billy Mamaril na kasalukuyan namang player ng San Miguel Beer na makakatulong ang airport sa pagpu- promote ng sports tourism.
“Having an airport in Central Luzon will boost all sectors. Sports and sports entertainment in general will be elevated because the ease of traveling by air will be easier. Having games abroad and having foreign athletes compete in the Philippines will be even more possible. Even fans from abroad could come here to watch major sports events. It will make us Filipinos very proud,” sabi ni Mamaril.
Para naman kay Magnolia Hotshots Pambansang Manok coach Chito Victolero na tubong Sta. Maria, Bulacan, ang bagong airport ay magiging daan upang maging sentro ng sporting events ang lalawigan.
Bukod sa sports, inaasahan din nilang makikinabang sa itatayong Bulakan Airport ang mga Bulakenyo dahil tiyak na uunlad din ang kanilang pamumuhay sanhi ng maraming trabahong malilikha ng paliparan lalo na kapag nagsimula na ang operasyon nito kasama ng itatayong Bulacan Airport City economic zone. Ayon naman kay Magnolia Hotshots big man Ian Sangalang, hindi na kailangang dumayo pa ng Manila ng kanyang mga kababayan para maghanap ng oportunindad. “Makakatulong ang airport na ito dahil magkakahanap-buhay ang karamihan sa negosyo na nagsara dahil sa pandemic. Madaming taga-Bulacan ang mabibigyan ng maayos na trabaho,” ayon naman sa taga Hagonoy na si Arthur de la Cruz ng Barangay Ginebra.
“Unang una ay madaming tao ang mabibigyan ng trabaho na kailangan na kailangan ngayon ng karamihan dahil sa pandemya. Sunod ay maraming produkto na gawang Bulacan ang mas makikilala hindi lang dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang mga bansa,” dagdag naman ng taga Bustos, Bulacan at Magnolia rookie na si Aris Dionisio.
Ang itatayong Bulakan airport ay kayang magsilbi sa may 100 milyon pasahero kada taon at inaasahang makakalikha ng 30 milyong tourism-related jobs at mahigit isang milyong iba pang mga trabaho para sa mga taga Bulacan at mga karatig lalawigan.
-Marivic Awitan