NAGSAMPA na nga ng one count of Libel at one count of Cyber Libel si Catriona Gray sa Bulgar entertainment editor na si Janiz Navida at one count of Libel sa reporter na si Melba Llanera. Kaugnay ito sa lumabas na hubad na litrato ni Catriona.

bong revilla

Ang sunod na aabangan ay ang pagsasampa ng libel ni Sen. Bong Revilla sa mga nagkakalat ng fake news tungkol sa kanya. Sa Zoom presscon sa senador, hindi pa niya tuwirang masabi kung magsasampa siya ng kaso sa nagkakalat ng fake news sa kanya at sa kanyang mga basher.

Pinaiimbestigahan na ni Bong sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation at ipinapakuha na niya ang background ng fake news peddler.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

“This has to stop! ‘Pag sobra-sobrang paulit-ulit na, napaka-plastic ko na, parang ‘di na ako totoong tao kung ‘di ko sila hagarin, ‘di ba? Dadaan tayo sa legal kapag dumating tayo sa aspeto na ‘yan. Pero hangga’t mapapatawad ko at matitiis ko sila, titiisin ko,” pahayag ni Bong.

Ibinigay na halimbawa ni Bong ang kumalat na fake news na namatay na raw siya, hindi raw alam nang nagpakalat noon na marami ang naapektuhan. Nag-iyakan at natulala ang mga taong nagmamahal sa kanya nang malaman ang balita.

“To make the matter worse, may kaibigan akong mayor. Biglang may nagbalita sa kanya na namatay na raw ako. Kamuntik na atakihin ‘yung tao, hanggang natulala. Saka lang siya nahimasmasan nang ma-confirm na buhay ako. Nakakalungkot ang

mga ginagawa nila. Ito na ba ngayon ang mundo natin? Ito na ba ang hinaharap natin ngayon? Ito na ba ‘yung hinaharap na kinabukasan ng ating mga anak, ng ating mga apo? Sana mabago ito,” dagdag pa ni Bong.

Samantala, sa kanyang kaarawan sa September 25, mamimigay si Bong ng 1,500 tablets sa mga mag-aaral para sa kanilang online classes. Kagabi, nalaman na kung sino ang mga nanalo at mabibigyan ng tablets.

Nagpasalamat si Bong sa Puregold, sa Rebisco at kay Mother Lily na nagbigay ng 100 tablets. May mga rich friends din siyang nag-donate at nag-pledge si former President Erap Estrada ng 100 tablets.

-NITZ MIRALLES