TINAWAG na ‘unacceptably high’ ng World Health organization ang COVID-19 death toll ngayong linggo na nakapagtala ng 50,000 pagkamatay, habang nalalapit nang umabot sa isang milyon bilang ng mga namamatay sa virus sa buong mundo.
Ayon sa WHO, bagamat ang global death at infection rate sa COVID-19 “were plateauing” sa halip na mabilis na tumaas, natatakpan ng datos ang mga paglobo ng bilang sa rehiyunal at lokal na lebel.
Halos 947,000 tao na ang namamatay dulot ng coronavirus mula nang magsimula ang outbreak sa China noong nakaraang Disyembre, ayon sa tally mula sa mga official sources na tinipon ng AFP, habang na mahigit 30.2 million kaso ang nairehistro.
“We’re adding about 1.8 to two million cases per week to the global case count, and an average somewhere between 40,000 to 50,000 deaths,” pahayag ni WHO emergencies director Michael Ryan sa isang virtual news conference.
“Thankfully that is not rising exponentially. This is a hugely high figure to be settling at. That is not where we want to be.
“Even though those numbers are flat at a global level, that covers up the fact that at regional and sub-regional level in some countries, we’re seeing significant rises in cases.”
Ayon kay Ryan, ‘[the pandemic still had a] long way to burn” at bagamat bumaba na ang bahagi ng mga apektadong pasyente na namamatay dahil sa pagbuti ng mga paraan sa paggagamot ng sakit, “we cannot accept 50,000 deaths a week as an acceptable number”.
NAKAPANGANGAMBANG SITWASYON
Malaking bahagi ng Europa nitong Biyernes ang naghahanda para sa malawakang pagpapatupad ng bagong restriksyon upang mahinto ang coronavirus habang nagpatupad na ang Israel ng ikalawang nationwide lockdown.
Ayon kay Maria Van Kerkhove, technical lead ng WHO para sa COVID-19, “[UN health agency was seeing] worrying trends in the northern hemisphere” sa usapin ng mga termino ng bilang ng kaso, hospitalisasyon, at intensive care admissions, “and we haven’t even begun the influenza season yet”.
“The circulation of other respiratory pathogens will complicate the clinical picture,” dagdag pa niya.
At habang naghihintay pa ang mundo sa malilikhang bakuna—36 ang kasalukuyang nasa human trial—sinabi ng Amerika na ilang bansa ang natuto sa pandemya na kaya nilang makontrol ang virus gamit ang mga hakbang na available.
“As we approach 30 million cases and one million deaths, we have a long way to go,” aniya.
“But we are in a different place that we were in January.
“We know so much more now, and countries are showing us that they can use the tools they have now to break chains of transmission and save lives.”
Samantala, nagpahayag naman ng pagkabahala si WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus sa umuusbong na “pattern of money being thrown at virus outbreaks — only after the event.”
“Covid-19 has shown that collectively, the world was woefully under-prepared,” aniya.
Agence France-Presse