PINOST ni Sunshine Dizon sa kanyang Instagram page ang regalong cake at boquet of Ecuadorian roses ng kanyang fans from Ecuador. Airing kasi sa nasabing bansa ang Ika-6 na Utos ng GMA-7, kaya nakilala ang Kapuso actress ng mga Ecuadorian. May kasama pang letter ang cake at boquet na dumating para sa aktres.
Kaya naman, paulit-ulit ang post ni Sunshine ng “Thank you for the wonderful surprise. Muchas Gracias @sdangels_ecuador,” ang tawag sa grupo ng fans niya sa nasabing bansa.
Natuwa naman ang Ecuadorian fans ni Sunshine dahil nagkaroon sila ng chance na makita at makausap ang aktres sa Meet and Greet via Zoom. Ang wish ngayon ng fans, makita nila nang personal si Sunshine at makapunta ito sa Ecuador.
Ang sarap ngang basahin ng comment box ng IG ni Sunshine dahil sa mga comment ng kanyang Ecuadorian fans in Spanish. ‘Yung tipong gugustuhin mong may katabi kang Spanish dictionary para maintindihan.
Lalo pa sigurong natuwa si Sunshine sa comments na “Miss Sunshine you are a beautiful person...Ecuador loves you Queen,” “Miss Shine is and will be our Queen forever,” at ang majority ng comments ay in Spanish na.
Maganda siguro kung kapag natapos ang Ik-6 Na Utos magpalabas uli ang GMA-7 ng iba pang teleserye ni Sunshine para tuluy-tuloy siyang napapanood sa Ecuador.
-NITZ MIRALLES