Plano ng Department of Education (DepEd) na alisin muna ang periodical exams ngayong distance learning approach ang ginagamit sa pagtuturo sa mga estudyante dahil pa rin sa patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, layunin nitong maiwasan ang posibleng pandaraya ng mga estudyante sa pagsusulit.

Sa halip aniya na magkaroon ng periodical exams, plano nilang magpokus na lamang muna ang mga estudyante sa mga written outputs at performance tasks.

“We are dispensing with the periodical exams in our proposed revised policy on assessment of learning. We’ll do written outputs and performance tasks,” ani San Antonio, sa panayam sa telebisyon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“This is the best time for us, so we are appealing to the parents, grandparents, and adults to help DepEd actually reinforce the value of honesty,” aniya pa.

-MARY ANN SANTIAGO