NAGBABALA nitong Lunes ang World Health Organization (WHO) chief na ang COVID-19 ay isa lamang senyales para sa hinaharap ng global health emergencies, kasama ng panawagan para sa politikal at pinansiyal na pamumuhunan upang maiwasan ang pandemya.
“This will not be the last pandemic, nor the last global health emergency,” paalala ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa paglulunsad ng Global Preparedness Monitoring Board (GPMB) 2020 report.
“We do not know what the next health emergency will be, but we know it will come. And we must be prepared.”
Naganap ang talumpati ni Tedros habang lumampas na ang mundo sa 29 milyon kaso kasama ng 924,953 kumpirmadong pagkamatay at halos 19.7 milyong recoveries mula sa COVID-19, ayon sa Johns Hopkins University sa US.
Iniulat din ng WHO ang tala ng isang araw ng pagtaas ng impeksyon sa 308,000.
Ang GPMB ay isang independent monitoring at accountability body upang masiguro ang kahandaan para sa mga global na krisis pankalusugan.
Sinabi ni Tedros na may responsibilidad ang sangkatauhan na ihanda ang mundo para sa susunod na pandemya.
Aniya, malaki ang kinuha ng COVID-19 sa buhay at kabuhayan, sistema ng kalusugan, ekonomiya at lipunan ng mundo.
“Even countries with advanced health systems and powerful economies have been overwhelmed,” saad ni Tedros.
Ngunit marami sa mga bansang nagtatagumpay na labanan ito ang natuto sa mga dating outbreaks tulad ng SARS, MERS, H1N1, Ebola, at iba pa.
“We can no longer wring our hands and say something must be done,” ayon sa WHO chief.
Kung hindi tayo matututo ngayon at gagawa ng nararapat na hakbang upang gawing ligtas ang mundo, tanong ni Tedros, “When will we?”
Aniya, “We do not know what the next health emergency will be, but we know it will come. And we must be prepared.”