TANGING Israel lamang ang sumuporta sa United States sa botohan laban sa isang UN resolution para sa “comprehensive and coordinated response” sa COVID-19 pandemic, isang pahayag kung saan kabilang ang pagkilala sa tungkulin ng WHO.
Sinang-ayunan ang hakbang, na tinalakay mula pa noong Mayo, ng 169 mula 193 bansa, kung saan nag-abstain ang Ukraine at Hungary.
Nanawagan ang pahayag ng isang “omnibus resolution” dahil sumasakop ito ng iba’t ibang aspekto ng pandemya, “acknowledges the key leadership role of WHO and the fundamental role of the United Nations system in catalyzing and coordinating the comprehensive global response to the Covid-19 pandemic.”
Matatandaang nagpahayag ng pagkalas sa WHO ang US, na inaakusahan ang organisasyon ng maling pamamahala sa coronavirus pandemic at mabagal na paglulunsad ng global alert.
Nananawagan ang pahayag ng “calls for intensified international cooperation and solidarity to contain, mitigate and overcome the pandemic and its consequences.”
At sumusuporta sa panawagan ni UN Secretary-General Antonio Guterres noong Marso para sa isang ceasefire sa pagitan ng mga bansa upang higit na mapagtuunan ang laban sa pandemya—isang panawagang ipinagkibit-balikat ng karamihan.
Iginigiit din pahayag “the urgent removal of unjustified obstacles,” o sanctions, upang makalikha ng mas maayos na access sa mga produktong kailangan para labanan ang virus.
Hiniling din nito sa mga bansa napanatilihin ang supply chain ng pagkain at agrikultura at hinikayat sa pagpapatupad ng economic recovery strategies upang maisulong ang sustainable development at malabanan ang climate change.
Bago ang botohan, tinangka pang alisin ng Unites States ang talata na nagsasaad ng proteksyon para sa mga kababaihan sa usapin ng sexual at reproductive health, higit sa pagkontra sa abortion.
Bumoto rin ang Libya at Iraq pabor sa pagtanggal ng talata. Gayunman, higit 120 bansa ang bumoto para panatilihin ang talata habang 25 bansa ang nag-abstained.
Agence France Presse