Nanawagan ang mga lider ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa publiko na ipanalangin si Cardinal Luis Antonio Tagle matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos isailalim sa swab test pagdating nito sa Pilipinas nitong Huwebes mula sa Italya.

Ayon kay Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo, magdaraos siya ng mga banal na misa para sa agarang kagalingan ni Tagle mula sa COVID-19.

“Good morning Cardinal Chito! This is the other Cardinal from the southern end of the country. By now the whole country knows you are home but sadly infected with the corona virus. I’ve been praying for you since last night. I shall offer my Holy Masses and Rosaries for your intention. May our loving God of mercy and compassion grant you a speedy and full recovery. May the Blessed Virgin Mary, our Mother, Health of the sick, Mother of Mercy and Hope whose Holy Name we celebrate today, intercede for you before her Son, the Divine Healer. Best wishes, dear friend, God bless!” panalangin ni Quevedo, na iniere sa church-run Radio Veritas.

Sa ulat ng Vatican News, kinumpirma ni Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office, na dinapuan ng virus ang 63-anyos na cardinal.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tiniyak naman ni Bruni na maayos ang lagay ni Tagle at walang anumang sintomas ng sakit.

“Cardinal Tagle actually tested positive for Covid-19 with a pharyngeal swab carried out yesterday on his arrival in Manila,” ayon kay Bruni nitong Biyernes.

Sa ngayon ay naka-mandatory self-quarantine na umano sa Pilipinas ang Cardinal, at maraming tao ang nagpapaabot ng pananalangin para sa agaran niyang paggaling mula sa karamdaman.

Matatandaang si Tagle, na dating arsobispo ng Maynila, ay nakabase na ngayon sa Vatican sa Italya matapos na maitalaga bilang “prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples” ni Pope Francis. Sa ulat ay sumailalim naman si Tagle sa COVID-19 test sa Roma noong Setyembre 7 at negatibo ang resulta nito.

Si Tagle ay dumating sa bansa nitong Huwebes para sa kanyang “late summer break,” ayon naman kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na siya ring kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Nakumpirmang positibo sa virus si Taglo nitong Biyernes (Setyembre 11).

Tiniyak naman ng simbahan na magsasagawa sila ng contact tracing upang matukoy at masuri ang lahat ng mga taong nakasalamuha ni Tagle nitong nagdaang mga araw. Si Tagle, na siya ring pangulo ng Caritas International, ang itinuturing unang mataas na opisyal sa Vatican na nagpositibo sa COVID-19.

Matatandaang bukod kay Tagle, tatlo pang obispo na rin sa Pilipinas ang nagpositibo sa COVID-19 kabilang na si Kalookan Bishop-emeritus Deogratias Iniguez, Manila Apostolic Administrator Broderick Pabillo at Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, na pumanaw na noong Agosto 26.