PLANO ng kontrobersyal coach na si Aldin Ayo na iapela ang parusang ‘indefinite banned’ na ipinataw sa kanya ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

“I deeply feel that the indefinite ban imposed by the UAAP Board against me is not appropriate under the circumstances,” pahayag ni Ayo.

“I will seek reconsideration of such sanction.

Nitong Lunes, pinatawan ng UAAP Board si Ayo ng ‘indefinite banned’ bilang parusa sa kanyang ginawang ‘bubble training’ para sa UST Golden Tigers sa Sorsogon sa kabila ng umiiral na community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Ayon sa UAAP, inilagay ni Ayo sa panganib ang buhay at kalusugan ng mga manlalaro dahil sa pagsasagawa nya ng training habang umiiral ang community quarantine na itinakda ng gobyerno.

Dahil sa nasabing ban, hindi maaaring lumahok si Ayon sa kahit na anong UAAP events at mga sanctioned activities.

“I have realized that no matter how driven and well-meaning you want to be, things just mess up. It gets you humbled, humiliated even, and we learn to painfully accept to just let things be,” aniya.

Marivic Awitan