HINIHINTAY ng TNT management ang pagpapaliwanag ni Kelly Williams sa naging biglaang desisyon nito na magretiro pagkaraan ng 14 na taon ng paglalaro sa PBA.

Ikinagulat ng marami ang pagreretiro ni Williams sa flagship franchise ng MVP group.

“We are currently waiting for his Notice to Explain,” ani KaTropa team manager Gabby Cui.

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, inanunsiyo ng 38-anyos na Williams ang desisyon nyang tumigil na sa paglalaro.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Sa nakalipas na huling sampung taon naglaro si Williams sa Katropa na tinulungan nyang magwagi ng limang kampeonato mula ng makuha sya ng koponan noong kalagitnaan ng 2010 Fiesta Conference sa isang multi player trade mula sa dating koponan ng Sta.Lucia kung saan sya nagwagi bilang league MVP noong 2008.

“We only learned about his decision to retire via social media only,”ayon pa kay Cui.

Nauna nang nabigyan ang 6-foot-6 forward kasama nina Almond Vosotros at Samboy De Leon ng contract extension hanggang matapos ang taon.

Katunayan sumama pa si Williams sa KaTropa sa kanilang training camp sa INSPIRE Sports Academy sa Calamba, Laguna matapos payagan ang mga PBA teams na magbalik ensayo.

Ngunit umalis sya sa bubble noong Setyembre 2 ng walang sinabing rason o paliwanag.

“Kelly Williams left our training camp on Sep 2 without any notice or explanation until now. He has not reached out to us ever since,” ayon pa kay Cui.

-Marivic Awitan