Ang mga pagkagambala sa mga serbisyong pangkalusugan dahil sa pandemya ay naglalagay ng peligro sa milyun-milyong karagdagang buhay sa buong mundo, sinabi ng United Nations noong Miyerkules, na nagbabala na ang COVID-19 ay maaaring baligtarin ang mga dekada ng pag-unlad sa pagbabawas ng pagkamatay ng bata.
Ang nagdaang 30 taon ay nakakita ng mga kapansin-pansin na hakbang sa pag-iwas o paggamot ng mga sanhi ng pagkamatay ng sanggol kabilang ang premature births at pneumonia
Natuklasan sa mga bagong pagtatantya sa dami ng namamatay na inilathala ng UN’s children’s fund na UNICEF, World Health Organization at World Bank Group na nakita ng 2019 ang pinakamababang bilang ng pandaigdigang under-five deaths sa talaan.
Noong nakaraang taon humigit-kumulang 5.2 milyong mga bata ang namatay dahil sa maiiwasang sakit, kumpara sa 12.5 milyon noong 1990.
Ngunit nagbabala ito na ang pandemya ay inilalagay sa panganib na mawalan ng bisa ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pagputol ng nakagawiang serbisyo sa kalusugan ng bata at ng ina.
Natuklasan sa isang survey ng UNICEF sa buong 77 na mga bansa na 68 porsyento ang nag-ulat ng hindi bababa sa ilang pagkagambala sa mga pagsusuri sa kalusugan ng bata at pagbabakuna.
Sinabi ni Henrietta Fore, executive director ng UNICEF, na ang mga bata at ina partikular na sa mga bansa na mababa at katamtaman ang kita ay tinanggihan na makakuha ng healthcare habang ang mga kaso ng COVID-19 ay nagbabara sa pambansang imprastraktura.
“The global community has come too far towards eliminating preventable child deaths to allow the pandemic to stop us in our tracks,” aniya.
“Without urgent investments to re-start disrupted health systems and services, millions of children under five, especially newborns, could die,” dagdag niya.
Ang pangangalaga ng neo-natal sa mga umuunlad na bansa ay medyo mura at maaaring makaapekto nang malubha sa mga antas ng kaligtasan ng bata.
Halimbawa, ang mga kababaihang tumatanggap ng pangangalaga ng mga propesyonal na komadrona ay 16 porsyento na mas malamang na mawala ang kanilang sanggol at 24 na porsyentong mas malamang na makaranas ng pre-term na birth, ayon sa WHO.
Natuklasan sa pagmomodelo na isinagawa sa unang bahagi ng taong ito ng Johns Hopkins University na halos 6,000 karagdagang mga bata ang maaaring mamatay bawat araw kung magpapatuloy ang mga pagkagambala sa pangangalaga sa medium term dahil sa COVID-19.
‘Vast inequality’
Napag-alaman sa survey na pitong bansa ang mayroong child mortality rate na higit sa 50 pagkamatay sa 1000 isinilang nang buhay noong nakaraang taon.
Sa Afghanistan, kung saan 1 sa 17 mga bata ang namamatay bago ang kanilang ikalimang kaarawan, ang ministeryo ng kalusugan ay nag-ulat ng isang “malaking pagbawas” sa mga pagbisita sa mga pasilidad sa kalusugan, sinabi ng UNICEF.
Karamihan sa pagkagambala ay maaaring dahil sa takot na makakuha ng COVID-19. Ngunit may malalim na peligro para sa mga ina at sanggol na iniiwasan ang mga pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan na walang kinalaman sa coronavirus.
Sinabi ni John Wilmoth, director ng Population Division ng UNDepartment of Economic and Social Affairs, na ipinakita sa ulat na ang mundo ay gumawa ng makabuluhang pag-unlad sa pagbawas sa dami ng namamatay na bata sa huling 30 taon.
“It also draws attention to the need to redress the vast inequities in a child’s prospects for survival and good health,” aniya.
Agence France Presse