Humihingi ang sangay ng hudikatura sa Kongreso ng P43.54 bilyong budget para sa 2021.

Nagtungo sa Kamara ang mga opisyal ng hudikatura upang idepensa ang hinihinging budget.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations nitong Huwebes, sinabi ni Court Administrator Jose Midas Marquez na ang panukalang P43.54 bilyon budget para sa 2021 ay mataas ng P2.31 bilyon sa Judiciary budget na P41.23 bilyon ngayong 2020.

Gayunman, may pagkakaiba sa P12.34 bilyon sa pagitan ng P43.54 bilyon allocation alinsunod sa National Expenditure Program (NEP) kumpara sa P51.88 bilyon budget na iminungkahi mismo ng Judiciary .

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Marquez, ang hudikatura ay humihingi ng dagdag na P6.58-billion sa budget na ipinanukala sa ilalim ng NEP.

Ang karagdagang P6.58-B aniya ay para sa Korte Suprema (P5.07-B); Presidential Electoral Tribunal (P15.35-M); ang P994.5 naman para sa Court of Appeals; Sandiganbayan (P406-M); at Court of Tax Appeals (P98.5-M).

Bert de Guzman