Ilang araw matapos ang pregnancy pictorial ni Coleen Garcia-Crawford ay heto at nanganak na siya nitong Huwebes, Setyembre 10, 6:33AM, sa pamamagitan ng water birth.

coleen at billy

Pinost ni Coleen ang mga larawang kuha habang nanganganak siya, kasama ang asawang si Billy Crawford, ang OB-Gyne, at ang baby nila. Ang caption ni Coleen, “There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari.”

Sinadyang sa bahay gustong manganak ni Coleen para makaiwas sa panganib ng COVID-19 base na rin sa payo ng mga kaibigang may mga anak na rin.

Tsika at Intriga

Anak ni Anjo Yllana, humingi ng dispensa sa tirada ng ama sa ‘Eat Bulaga’

Kuwento ni Mrs. Crawford, “It’s such a unique time na kahit na anong advice ang hingin ko from different mommies, iba pa rin kasi ang time na ‘to. “Like right now, we’re praying for a successful home birth. So, we’re not gonna go to a hospital. Mahirap talaga!”

Pagkalipas nang dalawang taong kasal ay nabibiyayaan na sina Billy at Coleen ng Amari.

-REGGEE BONOAN