Libu-libong mga tao ang naglunsad ng isang panawagan upang i-boycott ang Netflix nitong Huwebes kaugnay sa French film na Mignonnes, galit sila na ang mga batang bituin nito ay inilalarawan sa isang sekswal na paraan.

Ang pelikula, na kilala bilang Cuties sa Ingles, ay directed ng French-Senegalese director na si Maimouna Doucoure, at nagsimulang mag-streaming noong Setyembre 9. Mahigit sa 200,000 na mga tweet na may hashtag na “#CancelNetflix” ang naging top trending topic nang sumunod na araw.

Ang unang alon ng pagpuna, noong Agosto, ay humantong sa Netflix na bawiin ang “inappropriate” na likhang sining na ginamit upang i-promote ang pelikula, na inilabas sa mga sinehan ng buwang iyon sa France.

Sinabi din ng Netflix na humingi ito ng paumanhin para sa paggamit ng hindi naaangkop na mga imahe.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Ngunit nitong Huwebes, ang mas malawak na pagtutol sa ilan sa mga imahe ay nagmula sa paligid ng political spectrum sa United States.

Si DeAnna Lorraine, isang dating kandidato ng Republican para sa Kongreso mula sa California, ay nag-tweet na “Child pornography is illegal in America.”

“As the mother of an 8-year old girl, I STRONGLY support #CancelNetflix,” dagdag ni Beatrice Cardenas, isa pang California Republican. Ang pelikula, na tumanggap ng director’s award sa prestihiyosong Sundance Film Festival, ay nagkukuwento tungkol kay Amy, isang 11-taong-gulang na Parisian, na kailangang balansehinn ang mahigpit na mga patakaran ng kanyang pamilyang Senegalese at pagbibigay diin ng social media sa hitsura.

Sumali siya sa isang dance group na binubuo ng tatlong iba pang mga batang babae mula sa kanyang kapitbahayan, na ang choreographies kung minsan ay suggestive. “The hypersexualization of girls (and boys) is disgusting,” tweet ni Omar Navarro, isa pang Republican politician. “It is morally and ethically reprehensible. Pedophiles, child rapists and perverts would have a great time with #Cuties.” Wala pang komento ang Netflix.

Kabilang naman sa mga boses na pumupuri sa pelikula ang American actress na si Tessa Thompson (Creed, Avengers: Endgame), na sa tingin niya ito ay “beautiful.” “It gutted me at @sundancefest,” patuloy niya.

“It introduces a fresh voice at the helm. She’s a French Senegalese Black woman mining her experiences.

“The film comments on the hyper-sexualization of preadolescent girls. Disappointed to see the current discourse. Disappointed to see how it was positioned in terms of marketing.

“I understand the response of everybody. But it doesn’t speak to the film I saw.”

-Agence France- Presse