MATAPOS maisapubliko ang ‘bubble training’ sa collegiate sports, iniimbistigahan naman ng Joint Administrative Order (JAO) group ang Alabang Golf and Country Club hinggil sa alegasyon ng pagsasagawa ng isang torneo sa gitna ng ipinapatupad na community quarantine.

Ang JAO program na binalangkas ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at Department of Health (DOH) ang siyang pinagbatayan ng Inter-Agency Task Force para payagan ang hinay-hinay na pagbabalik ensayo ng professional basketball, football, boxing at iba pang contact sports.

Ayon kay PSC chairman William Butch Ramirez, nagsagawa ng pulong ang JAO group kasama ang National Golf Association of the Philippines (NGAP) upang tukuyin ang nilabag na patakaran ng Alabang Golf and Country Club .

“We have both the JAO and the Omnibus Guidelines of the IATF to consider so we report to the IATF once we get their side,” pahayag ni Ramirez

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Nitong nakaraang linggo ay naipasa na ng JAO kasama ng CHED ang kanilang ulat hinggil sa violation na nilabag naman ng UST Tigers at ng NU women’s volleyball team kung saan ay hihintayin naman nila kung anong parusa ang siya namang ipapataw ng DOJ sakaling mapatunayan na may nilabag nga na protocol ang mga ito.

Annie Abad