LUMAGDA ang Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isang kasunduan sa Energy Development Corp. (EDC) para sa pangangalaga ng 11 critically endangered native tree species sa Pilipinas.

Ang Memorandum of Understanding (MOU) ay nilagdaan nina ERDB Director Henry Adornado at EDC Corporate Support Function Group Head and Assistant Vice President Regina Victoria Pascual.

Sinabi ni DENR Secretary Roy A. Cimatu na sa pamamagitan ng MOU kasama ang EDC, ang DENR ay makakagawa ng mas mabisang pangangalaga at pagpaparami ng mga katutubong uri ng puno na mahalaga sa pagpapanatili ng biodiversity.

Ayon sa kanya, makakaasa ang publiko na ang DENR ay bubuo ng mas marami pang mga pakikipagsosyo upang maprotektahan ang kalikasan kahit na may nagpapatuloy na pandemya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Our mandate in the DENR does not stop even amid a health crisis. We can assure Filipinos that we will continue to partner with other institutions to safeguard the well-being of the environment,” wika ni Cimatu.

Sa ilalim ng limang taong MOU, nagkasundo ang ERDB at EDC na magtulungan sa pagpapalakas ng programa ng BINHI, isang inisyatiba ng EDC na nakatuon sa konserbasyon ng katutubong puno at naglalayong iligtas at matiyak ang pagpaparami sa napiling 96 na premium na nanganganib na mga species ng Pilipinas sa buong bansa.

Ang pakikipagtulungan ng ERDB-EDC ay nakatuon sa 11 na rarest at most critically endangered species ng puno - ang kadalis narig, malayakal, Mindanao narek, pinulog, Palawan narig, narig laot, kanining peneras, Cagayan narek, pianga, mapilig, at Samar gisok.

Magsasagawa ang ERDB at EDC ng in-site conservation o pag-iingat ng mga species sa kanilang natural na tirahan.

Ito ay itinuturing na pinakaangkop na paraan ng pagpepreserba ng biodiversity dahil pinoprotektahan nito ang mga naninirahan at tinitiyak ang pagpapanatili ng kapaligiran at ecosystem.

Bukod sa iba pa, ang ERDB ay inaatasang makipagtulungan sa mga potensyal na kasosyo sa EDC para sa pagkilala sa iba’t ibang mga species ng puno, magbigay ng tulong sa pagkukuha at pagpapalaganap ng mga punla, at tumulong sa mga teknikalidad at protokol para sa pagtatanim ng puno.

“ERDB is very much willing to respond to the need to conserve our natural resources by providing full support in developing science-based propagation protocols or information on the selected tree species through our research, development, and extension centers,” sinabi ni Adornado.

Sinabi ni Pascual na inaasahan ng EDC ang isang matagumpay na pakikipagsosyo sa ERDB upang iligtas at matiyak ang mga uri ng katutubong puno ng bansa.

“All the outcomes of our five-year partnership with ERDB will not only enable us to capacitate local government units and other organizations to protect these species,” wika ni Pascual.

“It will result in more of these trees planted and grown and therefore, more carbon absorbed and cleaner air -- a positive impact that we all need during this COVID-19 pandemic,” dagdag niya.

—CHITO CHAVEZ