DAHIL kaya sa hindi boto ang nanay ni Ruffa Gutierrez na si Annabelle Rama sa boyfriend niya noon kaya nabanggit niyang hindi na niya kailangang magpakasal ulit? Nasabi ng aktres na masaya at kutento na siya sa buhay niya ngayon kapiling ang dalawang dalagitang mga anak na sina Lorin at Venice.

ruffa

Base sa panayam ni Ruffa kay Toni Gonzaga-Soriano sa I Feel You, “For me, okay naman ako mag-isa. Kaya ko naman mabuhay with my kids, with my dogs and my career. Buo ako sa sarili ko.”Dagdag pa, “I need a man that will grow with me. I need a man that will make me feel happy. And if he doesn’t fulfill that need anymore, okay bye!

“Ayaw ko nga magpakasal ulit eh, kasi ‘di ba, you have to go through an annulment again.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

“Tapos marami akong nakikitang marriages na parang they are just with their partners because for the kids, just to make it work.”

Sa tanong kung paano nga ba binago ng mga past experience niya ang pananaw niya sa pag-ibig?

“Nagbago talaga. I am very different when it comes to my perception of love. A lot of my Bible study-mates are saying, ‘Ruffa, you have to get married again. We really pray for you na you’ll have a family again.’

At lagi raw niyang sabi, “Guys, I’m okay. You don’t need to pray for me. I’m not lonely. I’m fine the way I am.

“To each his own. Minsan we like younger guys, we like older guys, we like being married. I think there’s no such thing as traditional love anymore. It’s up to you. That’s why they say love is love.”

Klinaro naman ng aktres na hindi pa niya totally isinasarado ang puso niya at posibleng iibig siyang muli kahit maputi na ang buhok niya.

“If the time comes that my partner will propose or I feel that it’s right and I feel that it will make me happy forever, kahit 70 pwede ako magpakasal. Why not?”

Ikinasal si Ruffa sa ama ng mga anak niyang sina Lorin at Venice na si Ylmaz Bektas noong Marso 2003 at naghiwalay noong Mayo 2007 at napawalang-bisa ng korte ang kasal nila noong Enero 2011.

Reggee Bonoan