MATAPOS ang dalawang panalo sa Japanese Tour, target ni Fil- Japanese Yuka Saso na makamit ang minimithing ‘major title’ sa JLPGA.

May pagkakataon ang 23-anyos na si Saso sa paglahok sa Y200 milyon JLPGA Championship Minolta Cup na umarangkada kahapon. Ang Fil-Japanese ace ang kasalukuyang nangunguna sa ‘money race ‘ sa 132- player field na kinabibilangan ng pinakamagagaling at pinakamahusay na golfer sa region’s premier ladies circuit.

Ayon sa ulat, pinili ni Japanese star Momoko Ueda, pang-anim sa nakaraang British Women’s Open, na lumahok dito kaysa LPGA Tour’s second major – ang ANA Inspiration – na nakatakdang idaos din sa linggong ito sa Rancho Mirage, California, upang makaharap si Saso.

Kabilang din sa malalaking pangalan sa circuit sina 16-time JLPGA winner Ai Suzuki, si Golf5 tilt runaway winner Sakura Koiwai, at Earth Mondahmin Cup champion Ayaka Watanabe.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Gayunman, hindi pahuhuli o ituturing na isang pushover si Saso bagamat siya ay may rookie tag. Pinatunayan ng ICTSI-backed bet ang kanyang galing sa unang bahagi ng kanyang kampanya, ang kanyang power game na nagpabilib sa iba pang mga magagaling na manlalaro.

Bert de Guzman