FARIDABAD (AFP) — Binibilisan ng pinakamalaking syringe manufacturer sa India ang produksyon upang makagawa ng isang bilyong yunit, inaasahan ang pagtaas ng demand, sa pag-init ng karera sa mundo para makahanap ng bakuna sa coronavirus.

PUSPUSAN ang produksiyon ng pinakamalaking syringe manufacturer sa India upang matustusan ang inaasahang pagdagsa ng demand nito para sa coronavirus vaccinations. (AFP)

PUSPUSAN ang produksiyon ng pinakamalaking syringe manufacturer sa India upang matustusan ang inaasahang pagdagsa ng demand nito para sa coronavirus vaccinations. (AFP)

Habang nakatuon ang pagharap sa pandemya sa pagbuo ng mga bakuna, sinabi ng mga dalubhasa na ang medical essentials upang mapangasiwaan ang mga ito ay mahalaga din.

Ang Hindustan Syringes - isa sa pinakamalaking gumagawa ng item sa mundo - ay nagsabing nadadagdagan ang output nito ng mga auto-disable na aparato (na pumipigil sa muling paggamit) mula 700 milyon sa isang taon hanggang sa isang bilyon sa 2021 upang matugunan ang inaasahang pangangailangan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Even if 60 percent of the world’s population is immunised, it would mean four to five billion syringes would be required,” sinabi ni Hindustan Syringes managing director Rajiv Nath sa AFP sa kanilang pabrika sa northern Haryana state. Sa kasalukuyan ay mayroong higit sa 30 mga kandidatong bakuna na nasubok sa mga tao, at umaasa ang mga gobyerno na maipamamahagi sa lalong madaling panahon sa pagsiranycoronavirus na sumisira sa buhay at ekonomiya. Ang kakulangan ng PPE tulad ng mga maskar ay nakagambala sa maagang pagtugon sa pandemya, at ang mga bansa ay nagsimula na ngayong damihan ang kanilang imbak ng mga hiringgilya, vial at karayom.

“We may have sufficient capacity for the first wave of vaccines which would only be administered to priority groups,” sinabi ni Prashant Yadav, healthcare supply chains expert sa Harvard Medical School, told AFP.

“(But) when we get to a large-scale vaccination in late 2021 or 2022 and the dose demand estimates would be greater than 10 billion, that’s when syringe supply starts becoming a constraint.”

Karamihan sa demand ng mundo para sa mga hiringgilya ay inaasahang matutugunan ng mga pabrika sa China at India.