UMABOT sa 327 ang aplikante para sa gagawing drafting ng Women’s National Basketball League (WNBL) – kauna-unahang pro basketball league para sa kababaihan na sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).

“We already have three hundred twenty-seven applicants for the draft after two days of posting the draft form,” pahayag ni NBL executive vice president Rhose Montreal sa kanyang pagbisita sa PSA Forum nitong Martes.

National

‘Nika,’ bahagyang lumakas habang nasa PH Sea sa silangan ng Quezon

Inilabas ng WNBL ang kalatas para sa drafting nitong Agosto matapos makuha ang sanctioned ng GAB. Ayon kay Montreal, tatanggap sila ng aplikasyon para sa draft hanggang sa katapusan ng buwan. Nakatakda ang screening sa Oktubre 1-10.

Magdaraos din ng draft combine sa Oktubre 20-22 sa isang bubble set-up na susunod sa parehas na health protocols na gagamitin mg NBL sa kanilang Pampanga bubble na siyang magpapatuloy ng nasuspinde nilang season.

“Basically po, after we finish the championship sa men’s, we’ll also apply the same safety protocols that we submitted to GAB and IATF in conducting our Draft Combine,” paliwanag ni Montreal.

Idaraos ang unang WNBL Draft sa Oktubre 30 sa pamamagitan ng video conferencing via Zoom.

“To give equal opportunities, we’re looking at a minimum of 10, maximum of 12 teams for the inaugural season of the pro league,” ayon kay Montreal.

Ang mga koponan ng Armed Forces gaya ng Air Force at Navy mananatili ang kasalukuyang rosters dahil halos lahat mg mga players nila ay mga enlisted personnel habang ang mga koponan na mayroon ng line-up ay bibigyan ng pagkakataong mapanatili ang pili nilang 6 na players habang ang nalalabi ay masasama sa draft. Marivic Awitan