NILINAW ng Philippine Sports Commission (PSC) na ang anunsiyo sa pagbabalik training ng mga collegiate athletes ay hindi pa rin hudyat ng pagsisimula ng training ng mga miyembro ng National Team.
Ayon kay PSC Chairman William “Butch” Ramirez, ibabase pa rin ng PSC ang kanilang alituntunin sa anumang guidelines na ipapatupad ng Inter-Agency task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Sa ginanap na press conference kasama ang pinagsanib na puwersa ng PSC, GAB, DOH at CHED, binanggit ni Ramirez na hindi pababalikin sa training ang mga amateur athletes habang walang go signal buhat sa IATF.
“After two weeks, this guidelines that will be crafted in regards with the resumption of collegiate athletes training, we’wll have to include everybody. From the professional athletes down to the amateur, but we still have to work and act base on the Task Force directive,” pahayag ni Ramirez.
Siniguro naman niya na ito ang siyang inaasikaso ngayon ng ahensiya, ang mapayagan ang mga amateur athletes, partikular na ang mga may national sports association na mapayagan na din na mag-ensayo.
“We are working on it. if the Task force allow it then the training of the athletes will start,”ani Ramirez.
-Annie Abad