GINUNITA ni Chynna Ortaleza-Cipriano ang mga pinagdaanan nila ng asawang si Kean at inaming ipinanalangin niya ang pagdating ng singer/songwriter sa buhay niya.

chynna at kean

Post ni Chynna sa kanyang Instagram account, “Thinking about the exact feeling we had when we were about to enter the church. Such peace & comfort knowing that God was pleased.“On both wedding dates 2015 & 2017, I knew I was on the right path. Not a tinge of doubt or anxiousness was present in my being. I prayed for a partner and Kean came into view.

“He isn’t perfect but I was able to see past all his small faults & straight into his heart. Kind soul you got there sir and oo nga naman may itsura ka rin naman so bonus! I love you bro!

‘Sayang ang genes!’ Ogie Diaz, matagal nang kinukumbinseng mag-anak si Vice Ganda

“Salamat sa lahat lahat. Hindi pa natin anniversary trip ko lang mag express ng pagmamahal at gratitude sa iyo at sa Maykapal.”

May dalawang anak na ngayon ang mag-asawa at ayon sa aktres ay mini-me ni Kean ang panganay nilang babae pero nakuha naman ang ugali niya at ang bunsong lalaki ay kamukha nilang dalawa.

Samantala, mukhang mana kay Kean ang bunsong anak dahil kapag nagta-trabaho siya ay nasa tabi ang bagets.

Ang caption ni Chynna sa larawang pinost niyang nakatalikod ang asawa at may ginagawa ay katabi naman ang bunsong anak na nasa little piano ang nasa harap.

“He likes joining his Daddy on our makeshift desk for some reason. Honestly, I have no idea why. So we let him explore. Even if I’m half expecting him to fall from the chair I have to breathe through the fear. As a parent its so easy to say NO or STOP THAT.

“But you may just want to breathe through the immediate reaction of stopping the action and trust in your child no matter how small & fragile they seem to be.“Let them be. Because they were born knowing who they are. Contrary to what we think we know. So trust & quietly watch them grow into their power.”

-Reggee Bonoan