NAGING household name si Marian Rivera mula nang lumabas siya bilang Marimar. Kung ilang ulit na siyang ibinoto as one of the sexiest woman ng panlalaking magasin at binansagan ding Kapuso Primetime Queen.

Pero sino si Marian sa likod ng kamera? In demand si Marian as a brand endorser sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang anak. Ang pagkahilig ni Marian sa bulaklak ang nagbunsod para mag-aral sa Japan ng flower arrangement noong 2017. Siya mismo ang nagdi-desenyo sa kanyang online flower shop Flora Vida by Marian.

Mahilig magluto si Marian at bilang pagkilala at pasasalamat ay naghanda siya ng healthy meals para sa mga frontliners. Bilang ina, pino-promote rin niya ang kahalagahan ng breast feeding. Very supportive naman si Dingdong Dantes ang Kapuso Primetime King sa mga adhikaing ipinaglalaban ni Marian.

-REMY UMEREZ

‘Sayang ang genes!’ Ogie Diaz, matagal nang kinukumbinseng mag-anak si Vice Ganda