LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Nagsalansan sina Pascal Siakam at Kyle Lowry ng double-digit para sandigan ang Toronto Raptors sa 100-93 panalo kontra Boston Celtics para ipatas ang Eastern Conference semifinals sa 2-2 nitong Sabado (Linggo sa Manila).
T u m i p a si Siakam ng 23 puntos at 11 rebounds, habang kumana si Lowry ng 22 puntos at 11 boards sa dominanteng panalo na nagbigay pag-asa sa kampanya ng Raptors na maidepensa ang NBA title.
Nalimitahan ng Raptors ang opensa ng Celtics, particular ang perimeter shot ni Jaylen Brown tungo sa pinakamalaking panalo ng Raptors ngayong series.
Nag-ambag si Serge Ibaka ng 18 puntos mula sa 7-of-9 shooting at tumipa si Fred VanVleet ng 17 puntos, anim na rebounds at anim na assists.
Nanguna si Jayson Tatum sa Boston na may 24 puntos at 10 rebounds.