MAAARING maharap sa parusa ang mga healthcare facilities na hindi tama ang pagtatapon ng mga basura tulad sa mga nagamit na rapid test, babala ng Department of Health, kamakailan.

Sa isang virtual media forum, sinabi Department of Health (DoH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangang ilagay ang mga healthcare wastes sa hiwalay na container na aprubado ng environment department dahil iba ang paraan ng pagtatapon nito kumpara sa mga ordinaryong basura.

Inilabas ang babala ng ahensiya matapos makita ng ilang residente ng Sampaloc, Manila ang isang sako na naglalaman ng mga gamit na rapid antibody test kits sa kahabaan ng M. Dela Fuente Street.

“Let us try to understand that these rapid test kits are healthcare wastes. Katulad niyan nalaglag doon sa kalye o baka hinahawakan lang ng mga nagkokolekta na walang gloves and they can easily get infections and there’ll be harm among the people,” paliwanag ni Vergeire.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bukod sa mga test kits, dapat din itapon ng tama na sumusunod sa healthcare waste disposal protocols ang ginamit na personal protective equipment ng mga healthcare workers, at iba pang bagay na ginamit sa paggamot ng mga pasyente, dagdag pa ni Vergeire.

“They should be placed in a bag with proper label that they are healthcare wastes and there are designated places for healthcare wastes as approved by Department of Environment and Natural Resources,” anito.

Hinikayat din ng opisyal ang mga healthcare facilities na siguruhin ang tamang pagtatapon ng mga healthcare wastes, lalo’t mapanganib at maaaring magdulot ng pinsala sa tao ang mga ito.

Makatatanggap naman ng warning sa unang paglabag mula sa DoH ang mga pasilidad na hindi susunod sa healthcare waste disposal protocol.

“We will suspend you if you still fail to comply, and, final will be revocation of your license, and aside from that kung may iba pang tatamaan na batas with regard to this healthcare waste,” ani Vergeire.

PNA