NAGBITIW na bilang head coach ng University of Santo Tomas Golden Tigers si Aldin Ayo kasabay sa pag-ako ng responsibilidad sa naganap na kontrobersyal na ‘bubble training’ ng koponan sa Sorsogon.

Hindi pa man pormal na nasisiwalat ang rekomendasyon ng Joint Administrative Order (JAO) group na nagsagawa ng imbestigasyon sa isyu, nagsumite na ng resignation si Ayo na kaagad namang tinanggap ng pamunuan ng UST nitong Biyernes.

“I deeply apologize to all those who have been adversely affected by our activity and unnecessarily exposed to condemnation, especially the

University,” ayon sa liham ni Ayo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I take responsibility for my actions and shall face the appropriate sanctions. And I shall go for a personal Retreat. I thank the UST community for their faith and continued support for the team. I ask for prayers that they, as well as I, maybe able to recover from this very trying times,” aniya.

Naging kontrobersyal ang UST matapos kumalat ang video sa social media na nagsasanay ang Golden Tigers sa hometown ni Ayo nan ang mga panahon nay un ay nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Nakumpirma ito ni CJ Cansino na tinanggal ni Ayo sa koponan matapos mag-alasa balutan sa naturang ‘bubble’. Kalaunan, lumipat si Cansino sa University of the Philippines kasabay nang pagalis ng apat na iba pang players sa UST matapos lumabas ang kontrobersyal na ‘Chat Group’ ng team kung saan nasiwalat ang kakulangan sa medical attention at pagkain sa naturang Sorsogon bubble training.

Batay sa panuntunan ng Inter- Agency Task Force sa pagapruba sa rekomendasyon ng JAO na binuo ng Games and Amusements Board (GAB), Philippine Sports Commission (PSC) at Department of health (DOH), labag ang ginawa ng UST dahil ang mga professional basketball, football, boxing at iba pang combat sports ang tanging pinayagan para sa hinay-hinay at limitadong bilang ng platers sa pagbabalik ensayo.

Kasama ni Ayo na nagbitie sina assistant coach McJour Luib at Tiger Cubs head coach Jinino Manansala.

“It is with a heavy heart that the University of Santo Tomas accepts the resignation of Mr. Aldin Ayo, Head Coach of the UST Men’s Basketball Team, together with the resignations of Mr. Mcjour Luib and Mr. Jinino Manansala as Assistant Coaches,” pahayag ni UST rector Fr. Richard Ang, OP.

-Marivic Awitan