Isang Pilipinong seaman, kabilang sa crew member ng lumubog na Panamanian-flagged cargo vessel ang nasagip ng Japanese Coast Guard, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa ulat na natanggap ng DFA mula sa Embahada ng Pilipinas sa Tokyo at Konsulado ng Pilipinas sa Osaka, kinumpirma ng mga ito ang ginawang distress call ng naturang barko na nasa Amami Oshima Island sa Kagoshima Prefecture nitong Setyembre 2.

Ang barko ay iniulat na na may sakay na 43 tripulante, kabilang ang 39 na Pinoy.

Isa sa mga Pinoy seaman ang napaulat na na-rescue ng Japanese Coast Guard.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Patuloy pang minomonitor ng Konsulado ng Pilipinas sa Osaka ang sitwasyon.

-Bella Gamotea